^

Police Metro

VP Binay: Pinoy worker sa Saudi naligtas sa pugot-ulo

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasagip sa tiyak na kamatayan ang isang tripulanteng Pinoy na nakatakdang pugutan ng ulo sa Saudi Arabia at inaasa­hang makakalaya sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Vice President Jejomar Binay at kinilala ang Pinoy worker na si Jonard Langamin na nakaligtas sa bitay matapos pormal na makipagkasundo at mapatawad ng pamilya ng biktima at babaan ang hinihinging blood money.

Kasalukuyang nakakulong sa Dammam Reformatory Jail si Langamin dahil sa pagpatay sa kapwa Pinoy na si Robertson Mendoza noong 2008.

Nanawagan kahapon si Binay sa Department of Foreign Affairs (DFA) na bilisan ang pagpapalabas ng blood money ni Langamin upang makapiling ang kanyang pamilya ngayong darating na Kapaskuhan.

Nilinaw ni Binay na kailangang bayaran muna ang blood money bago tuluyang iutos ni Judge Sheik Ahmad Najmi Al Otaibe ng Damman High Court para sa marathon hearing upang tuluyang maisara ang nasabing kaso at desisyunan ang deportasyon ni Langa­min.

Unang humingi ng halagang P5 milyon blood money ang pamilya ni Mendoza at sa pakikipag-usap ni Binay sa mag­kabilang panig sa Coconut Palace ay napapayag ang naagrabyadong pamilya na babaan ito sa P2 milyon.

BINAY

COCONUT PALACE

DAMMAM REFORMATORY JAIL

DAMMAN HIGH COURT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JONARD LANGAMIN

JUDGE SHEIK AHMAD NAJMI AL OTAIBE

LANGAMIN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with