Libong kabataan at VM Joy B nagkapit-bisig laban sa droga
MANILA, Philippines – Nagkapit-bisig ang nasa 1,500 kabataan mula sa 142 barangay at QC Vice Mayor Joy Belmonte para mapuksa ang problema sa ilegal na droga sa lungsod.
Nanumpa ng kanilang katapatan ang naturang mga kabataan kay Belmonte na siya ring Chairman ng QC anti drug Abuse Council, QC Police Chief Joel Pagdilao, Dangerous Drigs Board (DDB) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuldukan ang paglaganap ng illegal drugs sa lungsod sa ilalim ng programang “Barkada Kontra Droga”.
Bahagi ng programa ang pagkakaloob ng QC government ng scholarship sa mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya sa hinaharap.
Hinikayat ni Belmonte ang mga bagong miyembro ng BKD na tulungan na gawing drug free ang lungsod sa pamamagitan ng pag-iwas sa bawal na gamot at gawing isang produktibong mamamayan para sa ikauunlad ng pamayanan at pamilya.
- Latest