^

Police Metro

DILG at PNP: 30 kidnaper, naaresto

Joy Cantos, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umaabot sa 30 kidnaper ang naaaresto mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Ito ang iniulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP) na lubos na pinasasalamatan ng watchdog group.

Ayon kay Police Senior Superintendent Rene Aspera, Chief of Staff ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), kabilang sa mga naaresto sina Tyrone dela Cruz at ang kanyang live-in partner na si Jean Loise Bitoy ng Dela Cruz Kidnap-for-Ransom Group (KFRG) na nahuli noong  Nobyembre 7 sa Brgy. Bahi,  Alburquerque, Bohol, alinsunod sa warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Laguna.

May anim na kaso ng kidnapping ang nasabing grupo na may mga ope­rasyon sa Metro Manila at Region 4.

Iniulat din ang pag-aresto kay Reccinte Padillo noong  Oktubre 16 sa Pasay City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas naman ng isang korte mula sa Quezon City.

Si Padillo ang lider ng  Padillo KFRG na sangkot sa pagkidnap kay Sally Chua noong Hulyo 5 ng nakaraang taon.

Sinabi naman ni DILG Undersecretary Tomasito Villarin na ang mga ito ay resulta ng implementasyon ni Sec. Mar Roxas ng “whole of PNP approach” sa pag-target sa mga kriminal.

Nagpasalamat naman sina Ka Ken Chua, chairperson ng Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) at Teresita Ang-See, founding chairperson, sa DILG at PNP.

ANTI-KIDNAPPING GROUP

CHIEF OF STAFF

DELA CRUZ KIDNAP

JEAN LOISE BITOY

KA KEN CHUA

MAR ROXAS

METRO MANILA

NOBYEMBRE

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with