^

Police Metro

P-Noy binati si Pacman

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binati ni Pangulong Benigno Aquino lll si pambansang kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa panalo nito laban kay Chris Algieri sa kanilang laban kahapon sa Macau, China.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., kaisa ng sambayanan ang Malacañang sa pagdiriwang sa muling panalo ni Pacquaio matapos nitong mapanatili ang kanyang welterweight belt laban kay Algieri.

Muli anyang, ipinamalas ni Pacquiao ang kanyang husay sa boksing matapos nitong talunin si Algieri via unanimous decision sa kanilang 12-round fight.

Nabatid na sa kainitan ng laban ay mistulang mu­ling tumigil ang oras sa Metro Manila dahil sa walang naganap na trapiko.

Sa datos ng Metro Manila Traffic Navigator ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), muling nakapagtala ng “light traffic (green line)” ang buong kahabaan ng EDSA mula Balintawak hanggang Roxas Boulevard at diretso sa Macapagal Avenue at iba pang mga pangunahing lansangan.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

HERMINIO COLOMA JR.

MACAPAGAL AVENUE

METRO MANILA

METRO MANILA TRAFFIC NAVIGATOR

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

ROXAS BOULEVARD

SARANGGANI REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with