^

Police Metro

400 pamilya lumikas... 2 patay sa ubusan ng angkan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling sumiklab ang clan war na ikinasawi ng dalawang katao naganap kamakalawa sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Ang nasawing mga biktima ay kinilalang sina Nasrudin Tayuan at Pua Mangadta; pawang mula sa grupo ni Brgy. Langayen Chairman Norhan Hamid.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay nagsagupa ang grupo ni Hamid at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) 105 Base Command sa pamumuno ni Commander Kuyo sa Brgy. Langayen ng nasabing lugar.

Ang angkan ni Hamid at Kuyo ay matagal ng mortal na magkaaway na sa sandaling magkru-krus ang landas ay nagpapatayan.

Bunsod ng kaguluhan ay lumikas ang nasa 400 pamilya mula sa Brgy. Ko­lambog at Tapodok sa takot na maipit sa bakbakan ng magkalabang angkan.

Nahinto lamang ang sagupaan ng magkabilang panig matapos na magresponde ang tropa ng militar.

vuukle comment

BASE COMMAND

BRGY

COMMANDER KUYO

HAMID

LANGAYEN CHAIRMAN NORHAN HAMID

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NASRUDIN TAYUAN

NORTH COTABATO

PUA MANGADTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with