^

Police Metro

400,000 Pinoy sa US, maliligtas sa deportasyon

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inasatan kahapon ng Departmenf of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine Consulates sa Amerika na pag-aralan ang executive order  ni US President Barack Obama kaugnay sa immigration relief na maaaring magsalba sa halos 400,000  undocumented Pinoy sa deportasyon.

Sinabi ni  Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na bukas ang pamahalaan sa pagbibigay ni US President Obama ng immigration relief sa mga undocumented migrant kabilang na ang mga Pinoy na makakatugon sa mga ibibigay na kriteria.

“We have asked our foreign service Posts in the US to look into this carefully, and determine how we can best assist our “kababayans” to avail of the protection offered under this proposal,”ani Jose.

Ang executive order ni Obama, amnestiya at pagbibigay ng work permits ang tinitingnang solusyon sa matagal nang problema sa mga illegal alien sa US na siyang papabor sa may milyong illegal immigrants doon na nagmula sa  ibat ibang bansa.

Sa rekord noong 2012 ng Commission on Filipinos Overseas, may 271,000 undocumented Pinoy na “tago ng tago” (TNT) sa US.

Partikular ang Amerika sa paboritong puntahan ng mga Pinoy kung saan mayroon nang mahigit tatlong milyong permanenteng migrante mula sa ibat ibang bansa bunsod na rin sa malaking oportunidad na umasensyo at mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sa isang live telecast, pinaayos ni Obama ang nasirang immigration system sa Amerika para sa kapa­kanan ng mga illegal immigrants.

AMERIKA

DEPARTMENF OF FOREIGN AFFAIRS

FILIPINOS OVERSEAS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN CHARLES JOSE

OBAMA

PHILIPPINE CONSULATES

PINOY

PRESIDENT BARACK OBAMA

PRESIDENT OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with