^

Police Metro

Estudyante nahulog, nasagasaan ng bus

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahulog at nasagasaan ng bus ang isang 18-anyos na estudyante nang agad umanong umarangkada ang sasakyang pampasaherong bus naganap kahapon sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Roberto Padirao, ng Block 1, Lot 18, Centerville, Brgy. Sto Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan. Agad din naaresto ang bus driver na si Nelson John Acera, 26.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga ay huminto ang Elena Liner bus na minamaneho ni Acera ang kahabaan ng Edsa Northbound, kanto ng Boni Serrano Avenue, patungong Aurora Blvd.

Habang papasakay ang biktima sa hulihang pinto ay bigla na lamang umanong inarangkada ng driver ang kanyang  bus na kung saan ay hindi nakakapit ang biktima kung kaya’t ito ay nahulog at pagbagsak sa kalye ay nagulungan ito ng naturang bus.

Bagama’t naitakbo sa East Avenue Medical Center ang biktima ay idineklara itong dead-on-arrival.

 

vuukle comment

AURORA BLVD

BONI SERRANO AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDSA NORTHBOUND

ELENA LINER

NELSON JOHN ACERA

QUEZON CITY

ROBERTO PADIRAO

SAN JOSE DEL MONTE

STO CRISTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with