^

Police Metro

5 sundalong napatay sa Basilan, pinugutan ng Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t ayaw pang kumpirmahan ng lide­rato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pahayag ng dala­wang security official na nakabase sa Sulu na brutal ang pagkamatay ng limang sundalo matapos na tadtarin ng taga sa katawan ay pinugutan pa ang mga ito ng ulo ng mga  bandidong Abu Sayyaf Group (ASG)  na pinaniniwalaang naka-droga sa limang oras na bakbakan sa Talipao, Sulu noong Biyernes.

Ang limang sun­da­long nasawi ay pawang miyembro ng elite Scout Ranger Company na isinabak sa lalawigan upang lipulin ang Abu Sayyaf na sangkot sa kidnapping for ransom kung saan siyam pa ang hostages na hawak ng mga bandido sa Sulu.

Nakasagupa ng mi­litar ay ang nagsanib puwersang grupo nina Commander Radullan Sahiron; mga Sub Commanders na sina Hatid Sawadjaan, Hairullah Asbang at Julie Ekit na kung saan ay napaulat na 10 sa mga miyembro nito ay nasawi at inilibing na bago pa man dumating ang tropang gobyerno habang 18 ang sugatang nakatakas na posibleng umabot pa sa 30.

Kabilang naman sa mga nasawi sa Abu Sayyaf ay ang Sub-Commander ng mga ito na si Hairullah Asbang; Betting Jakka, bayaw ng kanilang Commander na si Radullan Sahiron, isang tinukoy na Hamer Absara habang ang iba pa ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Magugunita na bandang ala-1:30 ng hapon nang makasagupa ng mga sundalo  ang nasa 300 bandido sa Brgy. Bud Bunga,Talipao kung saan umabot ang bakbakan hanggang alas-4:30 ng hapon. 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BETTING JAKKA

BUD BUNGA

COMMANDER RADULLAN SAHIRON

HAIRULLAH ASBANG

HAMER ABSARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with