^

Police Metro

Magpinsan niratrat ng apat

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki habang nasa kritikal naman ang pinsan nito matapos na sila ay pagbabarilin ng apat katao na kanilang nakaaway sa peryahan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Maguyam, Silang, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Bernard Raymundo, 25, ng Bypass Road, Brgy. San Vicente 2, habang kritikal naman ang pinsan nitong si Edwin Raymundo, 26, residente ng Blk. 5, Lot 8, Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.

Pinaghahanap naman ang apat na suspek na agad tumakas at tinangay pa ang gamit ng magpinsan.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:15 ng gabi sa nasabing lugar ay may nakaaway ang magpinsan sa peryahan na grupo ng kalalakihan na kapwa la­sing na katulad nila.

Nang maawat ay inakala na tapos na, su­balit pag-uwi ng magpinsan ay nakaabang ang mga suspek at agad na sila ay pinagbabaril.

vuukle comment

BERNARD RAYMUNDO

BRGY

BYPASS ROAD

CAVITE

EDWIN RAYMUNDO

MAGUYAM

NANG

SAN GABRIEL

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with