^

Police Metro

Sa harap ng nobya... PSG nagbaril sa ulo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang mi­yembro ng Presidential Security Group (PSG) nang barilin nito ang ulo sa harap ng nobya na nagkuwento na may nagkakagusto sa kanyang manager naganap kahapon ng madaling-araw sa inuupahang aparment sa Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Corporal Prince Wilfred Gerona. 30, residente sa no. 217 Leyte Golf, Veterans Village, Brgy. Holy Spirit ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:45 ng mada­ling-araw ay kapwa lasing na ang biktima, nobya nitong si Geraldine Casia, saleslady at kaibigan na si Fe Geno na nag-iinuman sa sala.

Naikuwento ni Geral­dine sa nobyo at  kay Fe na may nagkakagustong manager sa kanyang pinapasukan na ikina­selos ng labis ng biktima.

Galit na tumayo ang biktima at nagpunta sa kuwarto na sinundan ni Geraldine at nagpaliwanag sa nobyo na tila ayaw pakinggan.

Ilang sandali ay kinuha nito ang service firearm at itinutok sa kanang sentido at ipinutok na hindi napigilan ni Geraldine.

Ayon sa pulisya posib­leng selos ang nagtulak sa biktima upang gawin ang pagpapakamatay.

vuukle comment

CORPORAL PRINCE WILFRED GERONA

FE GENO

GERALDINE

GERALDINE CASIA

HOLY SPIRIT

LEYTE GOLF

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

QUEZON CITY

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with