^

Police Metro

Pamilya ng 21-anyos na dalaga na ni-rape/slay humihingi ng hustisya

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Upang mabigyan ng hustisya ang biktima ay nanawagan kay Pangulong Benigno Aquino lll at DILG Sec. Mar Roxas ang pamilya ng n 21-anyos na dalagang ginahasa at pinatay sa Puerto Princesa City kamakailan upang matukoy at maaresto ang tunay na salarin.

Sinabi ni Reynalyn Esparagosa, kapatid ng biktimang si Gia, 21, dapat makialam na mismo si Pangulong Aquino sa kaso dahil sa hindi sila naniniwala na ang inarestong suspect ng Puerto Princesa police na si Noemi Benitez ang tunay na gumahasa at pumatay sa kanyang kapatid noong Oct. 11.

Inihayag ni Supt. Thomas Frias, police chief ng Puerto Princesa, na nadakip na nila ang suspect na si Benitez na pinaniniwalaang nasa likod ng panggagasaha at pagpatay kay Gia.

Ang batayan ng pulisya ay kasya daw dito ang nakuhang tsinelas sa crime scene pero duda ang kaanak ng biktima sa teoryang ito ng pulisya.

Ilang oras pinaghintay ni Supt. Frias ang local at national media upang iharap ang suspect subalit hindi nangyari ito bagkus ay naglabas lamang sila ng press release.

Pero sa nakuhang CCTV bago makitang patay ang biktima sa isang madamong lugar sa barangay San Juan, Puerto Princesa City ay nakasuot ng sapatos ang lalaking huling nakitang kasama ni Espragosa na isang spa worker.

Lalong nagduda ang mga mediamen dito sa pag­lutang ng isang empleyado ng Office of the Mayor ng Puerto Princesa City na nakilala sa pangalang Richard Ligac na umano’y kaanak ng biktima at kinukuwestyon nito ang mga mamamahayag na nais iparating kay Pangulong Aquino at Sec. Roxas ang pangyayari.

Dahil dito, maging ang mga mediamen ay nanawagan na din kay PNP chief Alan Purisima upang muling buksan ang kaso dahil sa kanilang paniniwala na may ‘whitewash’ dito.

ALAN PURISIMA

GIA

MAR ROXAS

NOEMI BENITEZ

OFFICE OF THE MAYOR

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

REYNALYN ESPARAGOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with