^

Police Metro

Bangkay sa jeep inihagis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Burdado ng  saksak ang katawan ng isang kelot na inihulog mula sa isang pampasaherong dyip ng tatlong hindi pa kilalang mga lalaki, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Pilit na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang nasa edad 25-27, may taas 5’3-5’5, nakasuot  ng itim na t-shirt at gray na shortpants, na nagtamo ng 50 tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na siyang ikinasawi nito.

Sa report ng  Manila Police District-Homicide Section, sa nakitang footage sa closed circuit television (CCTV) ng Barangay 428 Zone 43, District 4, Sta. Mesa, Maynila, dakong alas-3:12 ng madaling araw  nang  makita ang isang pampasaherong jeep na mabagal ang pag-usad sa panulukan ng Alegria St.,  Sta. Mesa, at pagtapat sa bahay na may address 1966 at 1967 ay inihulog ng hindi bababa sa 3 lalaki ang isang bang­kay na nababalot sa asul na kurtina na agad naman inireport sa otoridad ng mga taong nakakita dito.

Tiniyak naman ng MPD-Homicide Section na may mga detalye ang nasabing jeep na nahagip ng CCTV na siyang pakay sa follow-up ope­ration upang matunton ang mga suspek. Dinala ang bangkay sa St. Rich Funeral Services para sa awtopsiya at safekee­ping.

 

vuukle comment

ALEGRIA ST.

BURDADO

DINALA

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PILIT

ST. RICH FUNERAL SERVICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with