Mukha at ulo tinadtad ng bala
MANILA, Philippines - Halos sumabog ang ulo ng isang 32-anyos na lalaki matapos na ito ay tadtarin ng bala ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Ang biktima na namatay noon din dahil sa 6 na bala na itinanim sa mukha at ulo nito ay kinilalang si Kadafi Macmod, tricycle driver ng 818-A Globo de Oro St., Quiapo.
Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang makarinig nang sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Arlegui at Elizondo Sts. at nang kanilang puntahan ay nakita ang biktima na duguang nakabulagta.
Malaki ang hinala ng pulisya na malaki ang galit ng suspek dahil sa inubos nito ang bala ng kalibre 22 sa mukha at ulo ng biktima.
- Latest