^

Police Metro

2 coed utas sa aburidong lalaki

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang estudyanteng babae ang nasawi nang sila ay pagbalingan ng saksak ng isang lalaki na aburido sa paghahanap sa dating nobya na naganap kamakalawa sa inuupahang bahay ng mga una sa Brgy. Centro Occidental, Polangui, Albay.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jenyfe Palermo, 19, dalaga, ng Brgy. Anopol ng nasabing lugar at Lovely De Vela, 22, tubong Labo, Camarines Norte.

Ang suspek na sumuko ay kinilalang si Raymund Gebelagiun, 24, binata ng Brgy. Laganak, Balatan, Camarines Sur.

Batay sa ulat, dakong ala-1:40 ng hapon ay kasalukuyang nasa sala ng Gaspar Badong Apartment ang dalawang biktima na kasalukuyang nagsasagawa ng group study nang biglang pumasok ang suspek.

Tinanong ng suspek sa dalawang biktima kung naroon sa kanilang kuwarto ang dating nobya, subalit sumagot ang mga biktima na wala ito.

Ikinainis ito ng suspek at agad na inatado ng saksak ang dalawang dalaga.

vuukle comment

ALBAY

ANOPOL

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CENTRO OCCIDENTAL

GASPAR BADONG APARTMENT

JENYFE PALERMO

LOVELY DE VELA

RAYMUND GEBELAGIUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with