^

Police Metro

4-day work hindi solusyon sa trapiko

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano solus­yon sa masikip na daloy ng trapiko sa lungsod ng Maynila ang 4 day work na nais ipatupad ng Civil Service Commission sa mga ahensiya ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Manila 1st District  Councilor Ernesto Dionisio, Jr., at mas dapat na pagtuunan ng pansin ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)   ang paglilinis sa mga obstruction sa kalsada tulad na  rin ng mga vendor at mga ginagawang talyer na sumasakop na sa  kalye.

Anya, ang kalsada ay dapat lamang na para sa mga sasakyan at walang  anumang mga harang  na makakaabala sa daloy ng mga sasakyan.

Dagdag pa dito ang mga pagbubungkal sa  mga kalsada, Department of Public Works and Highways (DPWH) at pagsasaayos ng mga  water concessionaire.

Mas dapat anya na  pairalin ng pamahalaan ang disiplina sa halip na  pagpapatupad ng 4-day work kung saan posibleng masakripisyo ang  trabaho ng mga empleyado.

Gayunman ay  nakasalalay pa rin kay Manila Mayor Joseph Estrada kung  ipatutupad ang 4-day work sa city hall, subalit kailangan pa rin itong dumaan sa konseho ng  Maynila upang mapag-aralan kung may mga legal impediments.

ANYA

CIVIL SERVICE COMMISSION

COUNCILOR ERNESTO DIONISIO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with