Drug raid: 2 pusher dedo
MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad sa isang umano’y shootout ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang big time drug pusher nang pumalag umano ito sa aresto kamakalawa sa isang raid sa shabu tiangge sa Tramo Riles, Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek.
Sa ulat, bandang alas-3:50 ng hapon nang isagawa ang anti-drug operation sa nasabing lugar.
Subalit sa halip na sumuko ang dalawang suspek ay pinaputukan ang arresting team ng pulisya na nauwi sa shootout at napatay ang mga una.
Nasamsam ng mga otoridad ang isang cal. 9 MM at isang submachine gun, bulto-bulto ng drug paraphernalias at mga plastic sachet ng droga.
Nadakip naman ang 11 pang katao sa isang follow-up operations sa Sitio Almazora.
- Latest
- Trending


















