Bulkang Mayon tumahimik, Bulkang Taal nag-alboroto
MANILA, Philippines - Kung pansamantalang nanahimik sa loob ng 24 oras ang Bulkang Mayon sa Albay, Bicol ay kabaligtaran naman ito sa Bulkang Taal na nag-aalboroto.
Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang naganap na seismic activity at walang crater glow na namataan sa Bulkan Mayon sa magdamag at tanging bahagyang puting usok ang namataan.
Nagluwa naman ng asupre ang naturang bulkan ng may average na may 148 tonelada at patuloy ang ground deformation ng bulkan.
Tumaas naman ang pag-init ng temperature ng tubig sa Taal lake mula 32.8°C ay naging 33.1°C at tumaas din ang pagluluwa ng asupre ng bulkan mula 698 toneladang asupre ay naging 1800 tonelada ng asupre at nanatiling nasa alert level 1.
- Latest