^

Police Metro

Tracking dogs vs Abu sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isasabak na rin ng Armed Forces of  the Phi­lippines (AFP) ng karagdagang tropa ng K9 units bitbit ang mga tracking dogs sa lalawigan ng Sulu upang mapalakas pa ang operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may hawak pang mga dayuhang hostages.

Ayon kay Lt. Col. Ha­rold Cabunoc, Chief ng AFP Public Affairs Office, ang pangunahing misyon ng karagdang tropa ng militar na isinabak laban sa teroristang grupo ay upang iligtas ang mga bihag na mag-asawang Aleman na sina Stefan Viktor Okonek, 71 at Herike Diesen, 55 na nauna nang humiling sa gobyerno sa video footages na ipinoste sa internet para sa kanilang kalayaan.

Sa pamamagitan ng tulong ng mga ‘tracking dogs’ ay malilimitahan ang galaw ng mga bandidong may hawak sa mga hostages.

ABU SAYYAF GROUP

ALEMAN

ARMED FORCES

AYON

CABUNOC

HERIKE DIESEN

ISASABAK

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

STEFAN VIKTOR OKONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with