^

Police Metro

Sanggol na natutulog, tinangay... Miyembro ng ‘baby for sale’ gang umatake

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang sanggol na babae na tatlong linggo pa lamang ang gulang ang tinangay habang katabi ang ina na nakatulog sa pagtitinda sa baywalk, Roxas Boulevard, Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Diana Lyn Santiago, 31, sidewalk vendor, residente ng Sta.Ana, Maynila na dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maalimpu­ngatan siya nang mawala sa tabi niya ang kanyang beybi.

Kaya naman ay agad nitong iniulat sa Lawton Police Community precinct (PCP) ang pagkawala ng anak.

Nang mag-ikot ang mga pulis ay namataan nila ang isang ginang na may kalong-kalong na sanggol at pagala-gala.

Inimbitahan ang ginang na kinilalang si Melanie Inocencio, 33, residente ng Caloocan City sa presinto at doon ay umamin na hindi niya anak ang sanggol at nagdahilan na napulot lamang niya. Nasasabik lamang umano siya sa beybi dahil ang kaniyang anak ay nasa lola nito.

Hindi naman lusot sa depensa ang suspek at sinampahan ng  kasong abduction.

Ayon sa ina ng bata, araw-araw ay puwesto na nila ang lugar sa pagtitinda at doon na rin sila natutulog, kasama ang mister na si Raymundo, kaya hindi inakalang mawawala ang anak nang ilapag ito.

Ikinatuwa ng mag-asawa na nabalik ang kanilang anak habang ang suspek ay kalaboso at inaalam kung miyembro ito ng sindikato na “baby for sale gang”.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

DIANA LYN SANTIAGO

ERMITA

IKINATUWA

LAWTON POLICE COMMUNITY

MAYNILA

MELANIE INOCENCIO

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with