Trader na may malalang sakit, utas sa ika-3 suicide attempt
MANILA, Philippines - Namatay sa ikatlong pagtatangka sa kanyang buhay ang isang 57-anyos na negosyante nang ito ay magbaril sa sarili dahil umano sa malala na nitong karamdaman naganap kamakalawa sa Brgy. San Andres, Malvar, Batangas.
Ang nasawi ay kinilalang si Edison Olan, 57, residente ng nasabing lugar.
Sa ulat, bandang alas-9:30 ng gabi ay abala sa kusina ang misis na si Estelita Vinas-Olan nang marinig nito ang isang malakas na putok ng baril galing sa silid nilang mag-asawa.
Tinungo nito ang kanilang silid at dito ay nakita ang mister na duguang nakabulagta dahil sa tama ng bala sa ulo.
Nabatid na dalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng lason, subalit naaagapan ito ng pamilya. -Joy Cantos-
- Latest