Bagyong Neneng lumabas na
MANILA, Philippines - Matapos ang pananalasa ng malakas na ulan ay lumabas na kahapon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Neneng.
Kahapon ng alas-5:00 ng umaga ay huling namataan si Neneng sa layong 1,240 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 210 kilometro bawat oras.
Si Neneng ay kumikilos sa bilis na 20 kilometro bawat oras pahilagang kanluran papuntang Japan.
Ayon kay Jori Loiz, weather forecaster ng PAGASA na bagamat walang direktang epekto sa bansa ang lumabas na bagyo, asahan din ang mga pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila, Palawan at Visayas.
Maulan naman sa Southern Mindanao dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). - Angie dela Cruz-
- Latest