^

Police Metro

Grade III pupil tepok sa suntok ng kaklase

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 9-anyos na batang lalaki na grade 3 pupil matapos masuntok ng kanyang kaklase na 10-anyos naganap kamakalawa sa loob ng eskwelahan sa Bantayan.Cebu.

Ang nasawi ay kinila­lang si Jiel Chris Desam­parado, na nagtamo ng apat na suntok sa batok mula sa suspek na itinago sa pangalang Mark.

Sa ulat ni Sr. Inspector Jaime Santillan, hepe ng Bantayan Police, dakong alas-12:00 ng tanghali habang lunch break ng mga estudyante sa Vito Ele­mentary School sa Brgy. Kangkaibe ay tinukso ng suspek ang biktima.

Napikon ang biktima kaya’t sinuntok nito ang suspek.

Nagalit ang suspek at gumanti ito at pinagsusuntok ng apat na beses sa batok ang biktima na biglang nanghina at bumagsak.

Inireport ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro na agad dinaluhan si Desam­parado na dumaraing nang paninikip ng pag­hinga hanggang nawalan ito ng malay tao.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival.

Ayon sa mga doktor ay lubhang delikado ang suntok sa batok lalo na kapag tinamaan ang sensitibong ugat ay maari itong ikamatay ng sinumang indibidwal.

Ang suspek ay iti­nurn-over na sa lokal na DSWD.

vuukle comment

AYON

BANTAYAN POLICE

BRGY

CEBU

DESAM

INIREPORT

JIEL CHRIS DESAM

SR. INSPECTOR JAIME SANTILLAN

VITO ELE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with