^

Police Metro

3 miyembro ng pamilya sa Basilan, sinunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatay muna bago sinunog ang bangkay ng tatlong miyembro ng isang pamilya na naganap sa Isabela City, Basilan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina  Rotillo Gonzaga, 57; misis nitong si Lucia  Gonzaga, 47; at anak nilang si  Virgilio Gonzaga, 11.

Sa ulat ni Basilan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Mario Dapilloza, dakong alas-3:15 ng hapon kamakalawa nang madiskubre ang halos nagmistulang uling na bangkay ng mga biktima sa bahay ng mga ito sa Campo Barn, Kapayawan ng nasabing lungsod.

Ang insidente ay ini-report sa mga otoridad ni Rodel Ariola, 30, may-ari ng lupang tinitirhan ng mga biktima na kaniyang katiwala.

Hinala ng pulisya na dalawa hanggang tatlong katao ang mga salarin at sinadyang sunugin ang bahay ng pamilya Gonzaga upang itago ang krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nagtungo pa sa kanilang barangay ang mag-asawa na ini-report ang sigalot sa lupain sa pagitan ng mga ito at ng kanilang kaaway na hindi muna tinukoy habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Ang alitan sa lupa ang sinisilip na motibo ng pagpatay sa pamilya.

BASILAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CAMPO BARN

DIRECTOR P

GONZAGA

ISABELA CITY

MARIO DAPILLOZA

RODEL ARIOLA

ROTILLO GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with