^

Police Metro

FHM model ‘EA’ ng PNP General, kaya nakakalusot sa paglabag sa batas trapiko...

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatunayan ang isang kasabihan na ang isang isda ay mahuhuli sa kanyang bibig.

Ito ang naging kaso ng FHM Model na si Alyzza Agustin nang ito ay mag-post sa kanyang Facebook at in-upload ang calling card ni Phi­lippine National Police Director for Plans Chief Superintendent Alexander Ignacio na kanyang ginamit para makaiwas sa pagkahuli ng number coding sa isang lugar sa Metro Manila.

Umani ng batikos si Alyzza sa mga netizen sa ipinoste nito sa kaniyang Facebook account. “Please assist may EA, Alyzza Agustin” na nakasaad sa calling card na pirmado ni Ge­neral Ignacio.

Kasunod ng photo ng calling card ay ang mga katagang sinulat ni Alyzza na kaniyang ipinoste ay  ang “Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka-useful mong card with matching dedication’, ani Alyzza sa kaniyang post.

Nabatid pa na hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng FHM model ang cal­ling card ni Ignacio para makalusot sa number coding ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na si Alyzza ay kabilang sa FHM 100 Sexiest Women sa buong mundo sa taong 2013.

Nagtataka rin ang netizen kung ano ang ibig sabihin ng EA na isinulat ng heneral habang ang iba naman ay may impresyon na baka umano nangangahulugan ito ng “Extrang Asawa” o maaaring kabit umano ng opisyal ang FHM model na dapat nitong sagutin.

Sinabi naman ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor na si Ignacio ay nasa ibayong dagat at siya na ang bahala na magpaliwanag sa pagbalik nito sa bansa.

ALYZZA

ALYZZA AGUSTIN

BOSS ALEX

EXTRANG ASAWA

FACEBOOK

IGNACIO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with