^

Police Metro

Haharap na sa Senado bitbit ang SALN

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang plano si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima na magbitiw sa puwesto sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagbatikos.

Sinabi ni Sr. Supt. Wilben Mayor, Spokesman ng PNP, alingasngas lamang at walang katotohanan ang kumakalat na balitang nagplaplano ng magbitiw sa puwesto si Purisima tulad ni Budget Secretary Florencio Abad na nagsumite ng resignation letter kay P-Noy pero ‘di tinanggap.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Mayor na dadalo ngayong araw si Purisima sa pagdinig ng Senate Committee on Peace and Order na pinamumunuan ni Senator Grace Poe.

Sa pagdalo ni  Purisima sa Senado  ay dala nito ang kanyang mga legal counsels ang magsasalita hinggil sa mga kontrobersyal na isyung ibinabato laban dito.

 Ayon kay Mayor dala ni Purisima sa kaniyang pagharap sa komite ang  kinukuwestiyong Statements of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) para ipaliwanag. 

Si Purisima ay kababalik lamang sa bansa galing sa isang “official mission.”

 

vuukle comment

BUDGET SECRETARY FLORENCIO ABAD

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

PEACE AND ORDER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

SENATE COMMITTEE

SENATOR GRACE POE

SI PURISIMA

SR. SUPT

STATEMENTS OF ASSETS AND LIABILITIES AND NET WORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with