^

Police Metro

MMDA sinisi ang BOC sa port congestion

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasalanan umano ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang pagbagal nang paghahakot ng mga container vans ng mga delivery truck sa Port Area noong nakaraang linggo.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kadahilanan sa hindi umano pagtatrabaho ng mga empleyado ng BOC kapag weekend.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na inaasahan sana nila na malaki ang maiba­bawas sa mga nakatambak na container vans ngayong pagtatapos ng linggo lalo na’t teknikal na nagtapos na ang “last mile policy” nila para sa mga delivery trucks.

Ang naturang polisiya ay ibinigay nila sa higit 100 trak na pinapayagan nilang dumaan sa mga hindi idineklarang truck lane hanggang sa kanilang mga bodega kung magtatrabaho ang mga trucking services ng Sabado, Linggo at Lunes ng umaga. 

Ngunit dahil sa hindi umano nag-trabaho ang mga taga Customs at maging taga-Philippine Port Authority (PPA) ay halos hindi rin napakinabangan ito.

Hindi naman umano katwiran ang masamang panahon sa pagtatrabaho dahil sa maging mga tauhan ng MMDA ay hindi tumitigil sa trabaho kapag weekend dahil maitutu­ring na krisis ang kinakarahap sa congestions ng container vans sa pier.

 

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE PORT AUTHORITY

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with