P1-B agrikultura winasak nina ‘Luis’ at ‘Mario’
MANILA, Philippines - Mahigit sa P1,144,599,746 bilyon halaga ng napinsala sa agrikultura ng magkasunod na bagyong Luis at bagyong Mario.
Sa ulat ng Department of Agriculture (DA) na 53,800 metric tons ng tanim na bigas na nagkakahalaga ng P934 milyon ang nawasak;11,566 metric tons o may halagang P151 milyon sa pataniman ng mais; high value crops-1,883 metric tons o P42 milyon, pangisdaan-P12.2 milyong halaga ang nasalanta at sa hayupan ay P2.3 milyon ang nasira ng naturang mga bagyo.
Nasa P3.6 milyon ang nasalanta sa fisheries sector dahil sa pagkalugi ng marami sa mga maliliit na isda ang naanod ng baha.- Angie dela Cruz-
- Latest