Deniece nakalaya na rin
MANILA, Philippines - Nag-isyu na kahapon ng release order ang Taguig City Regional Trial Court (RTC) para sa pansamantalang kalayaan ng modelong si Deniece Cornejo matapos nitong mabayaran ang piyansang P.5 million.
Ini-issue ng Taguig RTC ang release order ni Cornejo dakong alas-12:00 kahapon at muling ibinalik ito sa Camp Crame para isailalim muna ito sa pagsusuring medical bago ito pinalaya mula sa kanyang kulungan.
Nabatid na noong Lunes Setyembre 15, nagpalabas ng desisyon ang korte na pinapayagang makapagpiyansa sina Cornejo; Cedric Lee at Simeon Raz kahit ang kaso nilang kinakaharap na serious illegal detention ay non-bailable offense.
Naunang nakapagpiyansa sina Lee at Raz noong Martes (Setyembre 16).
Sina Cornejo; Lee at Raz ay sinampahan ng kasong serious illegal detention at grave coercion matapos nilang pagtulungang bugbugin ang actor at TV host na si Vhong Navarro noong Enero 23, 2014 sa condominium na inookupahan ng naturang modelo sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
- Latest