^

Police Metro

Paglaya ng grupo ni Cedric iaapela ni Vhong

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaugnay ng pag-apruba ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) sa hirit nina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Simeon Raz na makapagpiyansa sa kasong serious illegal detention ay maghahain ng  motion for reconsi­deration ang  kampo ng TV host at actor  na  si Vhong Navarro.

Ayon kay Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Navarro, labis nilang ipinagtaka ang desisyon ng Taguig RTC dahil alam nilang matibay ang mga inilatag nilang ebidensya laban sa mga akusado.

“Hindi ko lang maintindihan kung paanong sasabihin na walang serious illegal detention...The illegal detention was qualified by threat to kill at saka ‘yung serious physical injury at saka ‘yung ransom so hindi ko alam kung sinasabi ng korte ay walang illegal detention o hindi na-prove ‘yung qualification. Lahat naman nakakita sa CCTV, nakatali siya ng duct tape, paano sasabihin walang basehan?”-pahayag ni Mallonga.

Maghahain din ang prosekusyon ng  urgent motion for inhibition dahil nawala na umano ang kumpyansa ng prosecution panel sa kakayahan ng hukom na magiging patas sa paglutas ng kaso ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Taguig RTC Branch 271.

Samantala, nakalaya na kahapon sina Lee at Raz nang ito ay maka­paglagak ng kanilang piyansa na P500,000.

Habang si Cornejo ay kasalukuyan pang inaa­yos ang mga dokumento para sa pansamantalang paglaya nito. 

Pinangangambahan namang makalabas ng bansa sina Lee, Cornejo at Raz dahil walang hold departure order (HDO) laban sa mga ito.-Doris Franche-Borja, Lordeth Bonilla, Mer Layson

ALMA MALLONGA

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DORIS FRANCHE-BORJA

JUDGE PAZ ESPERANZA CORTES

LORDETH BONILLA

MER LAYSON

RAZ

SIMEON RAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with