Trapiko sa Maynila pamamahalaan na ng MMDA
MANILA, Philippines - Ang pamahalaan national na ang hahawak sa problema ng trapiko sa lungsod ng Maynila matapos na ito ay ibinigay ni Mayor Joseph Estrada sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang pansamantalang tanggalin ang truck ban.
Ayon kay Chairman Francis Tolentino na agad niyang pupulungin ang Special Traffic Committee ng Metro Manila Council upang agad na makabuo ng plano sa pamamahala ng daloy ng trapiko sa Maynila.
Pinasalamatan din ni Tolentino si Estrada sa ginawang desisyon at sinabihan pa ito na may malasakit para sa ikaluluwag ng trapiko sa kanyang lungsod.
Muli naman nitong hiningi ang tulong ng publiko at iba pang stakeholders sa trapiko ng ibayong pakikipagtulungan sa kanila para tuluyang matuldukan ang malubhang problema sa trapiko na umaabot na ngayon hanggang lalawigan ng Bulacan.
- Latest