^

Police Metro

Pagkain nilagyan ng Ativan... Coed ni-rape ng 2 Pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo ang isang 18-anyos na dalagang estudyante laban sa dalawang pulis na gumahasa sa kanya sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Melissa, 2nd year college student ng Sibugay Technical Institute Incorporated (STII) at kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM).

Ang dalawang pulis na agad nadakip ay nakilalang sina PO1 Bideri Gani, miyembro ng Siay Municipal Police Station at PO1 Julkaiser Hayudin Sali ng Malangas Police; pawang nasasakupan ng Zamboanga Sibugay at ang sibilyan na si Mumar Furuc na siya umanong nagpakilala sa biktima.

Ang mga suspek ay isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong rape at serious illegal detention at nakatakda rin isalang sa drug test upang mabatidd kung lulong sa droga nang isagawa ang krimen.

Sa ulat ni Inspector Dahlan Samuddin, Spokesman  ng Police Regional Office (PRO) 9  na nitong Setyembre 9 ay nagsuplong sa pulisya ang biktima matapos makatakas sa boarding house ng isa sa mga suspek bandang alas-2:00 ng madaling-araw sa Brgy.Bangkerohan sa bayan ng Ipil.

Ayon sa biktima, ipinakilala umano sa kaniya ang isa sa mga suspek ni Furuc noong gabi ng Setyembre 8 kung saan ay kumain sila sa isang fastfood.

Matapos kumain ay nahilo ang biktima at dito na siya dinala ng isa sa mga suspek sa boarding house at pagdating doon ay dumating ang isa pang kasamahan nitong parak.

Ayon sa biktima halinhinan umano siyang ginahasa ng dalawang parak at ikinulong noong gabi ng Setyembre 8 hanggang sa makatakas kinabukasan ng madaling araw.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operations kamakalawa ang mga operatiba ng Ipil  Municipal Police Station at nasakote ang mga suspek.

 

AYON

BIDERI GANI

HAYUDIN SALI

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

MALANGAS POLICE

MUMAR FURUC

SETYEMBRE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with