Sen. Koko titiyaking batay sa Konstitusyon ang Bangsamoro Basic Law
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbusisi sa isinumite ng pamahalaang Aquino na burador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso kung hindi ito lalabag sa kasagraduhan ng Konstitusyon at sa umiiral na mga demokratikong proseso sa bansa.
Ikinalugod ni Pimentel ang hakbang bilang pagsulong ng pananalig lalo sa bahagi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil bilang taga-Mindanao ay dadaan ang BBL sa pagbusisi ng publiko tulad ng ibang batas lalot sangkot dito ang paghahati ng kapangyarihan at kayamanan ng pamahalaan at ng panukalang Bangsamoro regional government.
Bilang tagapangulo ng mga komite ng repormang panghalalan at katarungan sa Senado, idiniin ni Pimentel na pag-uukulan niya ng pansin ang mga probisyon kaugnay sa mga estruktura, gawain at kapangyarihang pampolitika ng Bangsamoro regional government at ikokonsidera kung paano na ang panukala niyang Bigger Pie, Bigger Slice na paghahati sa mga kita ay pakikinabangan ng mga komunidad sa Bangsamoro.
- Latest