^

Police Metro

4 bagets todas sa baha at kidlat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong tinedyer ang  nasawi sa baha habang ang pang-apat ay tinamaan ng kidlat dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan ng Cebu  nitong Lunes ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Richel Ann Paraje, 15; Caroline Marson, 15 at Earv Kyle Sardido, 13 na nalunod nang umapaw ang tubig baha na rumagasa mula sa ilog sa bayan ng Argao, Cebu dulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa Central Visayas sanhi ng low pressure area (LPA).

Batay sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon ay kasalukuyang tumatawid ang tatlong tinedyer sa spillway ng Brgy. Calagasan pauwi sa kanilang tahanan galing sa Calagasan National High School nang tangayin ang mga ito ng tubig baha.

Bandang ala-1:30 naman ng tanghali nang tamaan ng kidlat ang 16-anyos na si William Cabijan sa Brgy. Guadalupe, Cebu City. Nagawa pang maisugod ito sa pagamutan, subalit idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

ARGAO

BRGY

CALAGASAN NATIONAL HIGH SCHOOL

CAROLINE MARSON

CEBU

CEBU CITY

CENTRAL VISAYAS

EARV KYLE SARDIDO

RICHEL ANN PARAJE

WILLIAM CABIJAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with