^

Police Metro

Magtiyo dedo sa sinitang rider

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niratrat ng bala ang isang magtiyuhin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo na kanilang sinita kamaka­lawa ng gabi sa Pa­rañaque City.

Ang mga biktima na nasawi ay kinilalang sina Michael Bigno, 38,  may- asawa, ng # 1 Lebanon St. Barangay Don Bosco at pamangkin nitong si  Guillermo Bigno Jr. 22, binata,  ng Area 6, Sitio Libo Barangay Santo Niño, Parañaque City sanhi ng mga tama ng bala. Ang dalawa ay mga security volunteer sa kanilang lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril sa magtiyuhin dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng compound ng Better Living, Lebanon St. Barangay Don Bosco ay kasalukuyan nagroronda ang mga ito sa nasabing lugar nang makatanggap ng tawag mula sa radyo ng kanilang mga kasama­hang guwardiya na nakatalaga sa main gate.

Iniulat sa kanila na may isang lalaking nakasakay ng kulay itim na motorsiklo na paikot-ikot sa  lugar.

Nang mamataan ng magtiyuhin ang suspek at nang tangkang sitahin ay agad silang pinagbabaril.

 

vuukle comment

BETTER LIVING

GUILLERMO BIGNO JR.

INIULAT

LEBANON ST. BARANGAY DON BOSCO

MICHAEL BIGNO

NANG

NIRATRAT

SITIO LIBO BARANGAY SANTO NI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with