Derek Ramsay posibleng makulong ng 12 taon
MANILA, Philippines - Kung mapapatunayang nagkasala ng pang-aabuso sa kanyang asawa’t anak ay posible umanong makulong ng hanggang 12 taon sa Bilibid ang aktor na si Derek Ramsay Jr.
Ito ang pananaw ni Atty. JV Bautista, isang eksperto sa batas lalo na sa mga probisyon ng Republic Act 9262 or an act penalizing violent acts against women and children.
Kamakailan ay kinasuhan si Ramsay matapos aniyang hindi nito suportahan ang kanyang mag-iina sa loob ng mahigit 11 taon matapos na ikasal ito sa misis nitong si Mary noong 2001 sa Balagtas, Bulacan.
Matapos lamang ng ilang buwan, ay naghiwalay sila sanhi umano ng pambubugbog at pambababae ng aktor.
Noong 2002, isinilang ni Mary ang isang sanggol na lalaki at 2010 ay nagsagawa ng paternity test si Derek at napatunayang anak niya ito.
Dalawang beses nagpa-DNA at paternity si Derek na sampung taong itinago sa publiko ang kanyang mag-iina at kung kani-kaninong aktres ito nagkakaroon ng relasyon.
Unang lumabas noong 2010 ang balitang kasal si Derek kay Mary at dito ay binantaan pa ng actor ang ABS-CBN na dati niyang home studio na huwag ilalabas ang balita.
Idinagdag pa ni Atty.Bautista na pinarurusahan ng batas ang abusong sikolohikal na ginawa ng isang lalaki laban sa babae, kahit na asawa ito ng biktima at sa ilalim ng RA 9262, kinikilala ang babae bilang tao at hindi pag-aari ng isang lalaki.
- Latest