^

Police Metro

Sementadong bangkay sa drum

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuan kahapon ng madaling-araw ng mga barangay tanod ang bangkay ng isang lalaki na nakasemento sa loob ng isang drum  sa Brgy. Sta. Monica, Quezon City.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad 30-35, nakasuot ng kulay asul na t-shirt, itim na jacket, checkered na short, at may naka-markang tattoo sa dibdib na “NOAH VANJO 128” at tadtad ng saksak sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:35 ng madaling-araw ay nagpapatrulya ang mga barangay tanod na sina Joselito Aguilar at Jonathan Pelo nang makaamoy ng masansang na nagmumula sa isang plastic na drum na puno ng matigas na semento sa kahabaan ng Santiago Ave­nue, kanto ng Ciriaco St.

Binakbak ng mga tanod ang bahagi ng drum at nagulat sila ng lumitaw ang paa ng isang tao.

Kaya naman ay ipinagbigay nila ito sa mga otoridad para sa pagsisiyasat at nang makuha ang bangkay ay nakita ang katawan nito na tadtad ng mga saksak.

 

BATAY

BINAKBAK

BRGY

CIRIACO ST.

INILARAWAN

JONATHAN PELO

JOSELITO AGUILAR

QUEZON CITY

SANTIAGO AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with