^

Police Metro

2 trike driver inutas ng tandem

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang tricycle driver ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng riding-in-tandem criminals kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central University Hospital ang dalawang biktima na sina Rommel Manalastas, 43-anyos, at Ferdinand Pamparo, 47-anyos.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon habang naghihintay ng kanilang mga pasahero ang mga biktima sa kanto ng 8th Avenue at MH Del Pilar Street nang dumating ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Walang kaabog-abog na pinaputukan ng angkas ang biktimang si Manalastas na sa kabila ng tama ng bala ay nakatakbo at nagtangkang magtago sa tricycle ni  Pamparo.

Sinundan ng mga salarin si Manalastas at mu­ling pinagbabaril upang tiyakin ang kamatayan nito, ngunit nadamay si Pamparo.

Sa salaysay sa pulisya ng kapatid ni Manalastas na si Ronnie na isang alyas “Adonis Paz” ang umano ay nasa likod ng pamamaslang sa kanyang kapatid.

Sinabi nito na nakatanggap kamakailan ang kapatid  ng “death threats” buhat kay Paz na isa umanong kilalang tulak ng iligal na droga.

Nadakip kamakailan si Paz ng mga pulis at maaaring pinaghinalaan nito si Manalastas na siyang nagturo sa kanya sa mga pulis ukol sa mga iligal na aktibidad kaya’t ito ay itinumba.

vuukle comment

ADONIS PAZ

CALOOCAN CITY

DEL PILAR STREET

FERDINAND PAMPARO

MANALASTAS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

PAMPARO

PAZ

ROMMEL MANALASTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with