P7B refund ng telcos, igigiit pa rin sa NTC
MANILA, Philippines - Igigiit pa rin ng grupong Text Power sa National Telecommunication Commission (NTC) na gumawa ng kaukulang mga paraan para maisagawa pa rin ang refund sa P7 bilyon na umano’y sobrang singil ng mga telecommunications company sa mga cellphone users matapos na hadlangan ng Court of Appeals (CA) ang inaasahang refund.
Binigyang diin ni Vincer Crisostomo, Vice President ng Text Power, na hindi makatwiran ang ginawa ng CA lalupat ito anya ay hindi pabor para sa interes ng mga telcos subscriber.
Binigyang diin ni Crisostomo na maaaring may naging pagkukulang ang NTC nang hindi agad ipinatupad ang refund kaya nagkaroon ng tsansa ang CA na makapagpalabas ng TRO kontra sa refund.
Kinondena din nito ang CA dahil sa halip anya na alalayan ang mamamayan sa usaping ito ay gumawa pa ito ng hindi katanggap tanggap na hakbang.
Nitong Biyernes ay nagpalabas ng direktiba ang CA na kumokontra sa utos ng NTC na magpatupad ng refund ang telcos.
Napatunayan ng NTC mataas ang P1.00 kayat dapat ay hanggang 80 centavos lamang ang halaga ng bawat text na babayaran ng mga subscribers.
- Latest