^

Police Metro

Tularan si Ninoy, wag si Macoy

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tularan ang amang si dating Senador Ninoy  Aquino at hindi ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ito ang naging payo ng grupong Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino at ng Maralitang taga-lunsod  kay Pangulong Noynoy Aquino

Ayon kay Atty. Aaron Pedrosa, secretary general ng  grupong Sanlakas, kung tunay na pinakikinggan ni Noynoy ang kanyang mga boss dapat batid nito na tutol ang mamamayan sa pag-amienda  ng Saligang Batas ng 1987 para mabawasan ang kapangyarihan ng Korte Suprema at mapalawig ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

Ayon kay Pedrosa ang naturang hakbang ay  hindi  sagot sa malawakang kawalan ng trabaho sa bansa at  pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin ay hindi sagot sa kapalpakan ng kanyang burukrasya. Kung maaalala anya  ni Noynoy ang mala­king naiambag ng kanyang amang si Ninoy sa paglaban sa diktaduryang Marcos para sa kapakanan ng mamamayan kayat brutal itong pinaslang may 31 taon na ang nakakaraan malayo ang pagkakaiba nilang mag-ama.

Ipinagdiwang kahapon ng naturang mga grupo sa pamamagitan ng maikling programa  ang  ika-31 taong anibersaryo ng pagpaslang kay Ninoy sa monumento nito na itinayo ng QC go­vernment sa kanto ng West Avenue at Quezon Avenue sa QC.

 

AARON PEDROSA

AYON

KORTE SUPREMA

MANGGAGAWANG PILIPINO

NINOY

NOYNOY

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with