^

Police Metro

NFA officials hinamon ng lie detector test

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sabay-sabay na magpa-lie detector test para magkaroon ng linaw sa akusasyon ng extortion.

Ito ang naging paghamon ng rice trader na si Jomerito “Jojo” Soliman kina National Food Authority (NFA) administrator Arthur Juan, assistant nito na si Atty. Patricia Galang at mga kasamahan umano nitong sina Jefferson Lee, Rainier Lim at Rommel Lim matapos na magsampa kamakailan ng 15 milyong extortion complaint sa National Bureau of Investigation (NBI).

Anya, bagaman hindi admissible sa korte and resulta ng lie detector test nilang anim ay malaki naman ang maitulong nito para magkalinawan sa mga isyu at akusasyon ng magkabilang panig sa kaso.

Magugunita na noong nakaraang buwan ay ni-raid ng mga taong gobyerno ang warehouse ng Purefeeds sa Bulacan na pag-aari ni Soliman, dahil umano sa mayhalong pagkaing hayop ang produktong bigas nito, subalit nang suriin ni NFA director Rex Estoperez ay lumitaw na malinis at wala itong halo ng animal feeds.

ANYA

ARTHUR JUAN

BULACAN

JEFFERSON LEE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PATRICIA GALANG

RAINIER LIM

REX ESTOPEREZ

ROMMEL LIM

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with