^

Police Metro

Mag-asawang trader dinukot ng Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang mag-asawang negosyante ang dinukot ng 9 na armadong kala­lakihan na pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang lumang pampublikong pamilihan sa Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-asawa na sina Noel “Jong-Jong at Michelle Panes.

Ayon kay Captain Franco Salvador Suelto, spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, bago nangyari ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi ay abala ang mag-asawa sa kanilang tindahan sa Old Public Market, Purok 5, nang biglang sumulpot ang 9 armadong kalalakihan na ang tatlo ay nakasuot ng camouflage uniform at tinutukan ng baril ang mag-asawa at kinaladkad pasakay sa tabing dagat kung saan naghihintay ang sasakyan na bangka.

Sa gitna ng komosyon ay nagawang makatakas ni Noel, pero natangay ng mga kidnaper ang misis nito sakay ng bangka.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

AYON

CAPTAIN FRANCO SALVADOR SUELTO

INFANTRY DIVISION

ISANG

JONG-JONG

MICHELLE PANES

OLD PUBLIC MARKET

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with