^

Police Metro

SALN ng mga mahistrado ilalabas na

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Lunes (Agosto 18) ay nakatakda nang ilabas ng Korte Suprema ang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga mahistrado.

Ito ang inihayag ni Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) chief Atty. Theodore Te, bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na maghain ng kani-kanilang SALN ang mga mahistrado at isapubliko.

Ayon pa kay Te na makakakuha ng kopya ang mga miyembro ng media at civil society na nagsasapubliko ng nilalaman nito.

Magugunita na kamakailan ay inihayag ng Pa­ngulo na siya ay bukas sa pag-amyenda sa Saligang Batas para malimitahan ang kapangyarihan ng Korte Suprema.

Ilang ulit na ring hayagang pinupuntirya ni Pa­ngulong Aquino ang Korte Suprema matapos ideklara nito na labag sa Konstitusyon ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

AQUINO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

LIABILITIES AND NETWORTH

PANGULONG BENIGNO S

SA LUNES

SALIGANG BATAS

STATEMENT OF ASSETS

SUPREME COURT-PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with