^

Police Metro

Sa pagkakaaresto kay Palparan... 2 down 3 to go

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang Malacañang na ang natitirang tatlo ng “Big 5” high profile fugitives ay maaaresto na rin sa lalong madaling panahon.

Kahapon ay bumagsak sa kamay ng batas ang ikalawang high profile fugitive na si dating Maj. Gen. Jovito Palparan sa pinagtataguan nitong bahay sa Sta. Mesa, Maynila matapos na makita ito ng mga intelligence operatives na nagwi-withdraw sa ATM machine dakong alas-3:30 ng madaling-araw.

Una na ring naaresto si Delfin Lee, na arkitekto ng isang P7-bilyon pabahay scam ng mga kasapi ng Task Force Tugis sa lobby ng Hyatt Regency Hotel and Casino sa Ermita, Maynila noong Marso 6, na halos dalawang taon na pagtatago sa batas sa kasong syndicated estafa.

Ang tatlo sa natitirang “Big 5” ay sina da­ting Palawan Gov. Joel Reyes, ang kanyang kapatid na lalaki at da­ting Coron Mayor Mario Reyes, dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo na kapwa may patong sa ulo na P2 milyon para sa kanilang ikadarakip na inaasahang susunod nang babagsak na pawang matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad. 

 

CORON MAYOR MARIO REYES

DELFIN LEE

DINAGAT ISLAND REP

HYATT REGENCY HOTEL AND CASINO

JOEL REYES

JOVITO PALPARAN

MAYNILA

PALAWAN GOV

RUBEN ECLEO

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with