‘It’s more fun in Libya than in the Philippines!’
MANILA, Philippines - Sobra ang pagkadismaya ni dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pahayag ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Libya na hindi uuwi sa Pilipinas sa kabila ng kaguluhan at panganib sa Libya.
Ayon kay Cruz, mayroong hindi magandang nangyayari sa Pilipinas kaya mas minabuti ng libu-libong OFW na hindi sumama sa mandatory repatriation ng pamahalaan sa Libya.
Anya, isa itong patunay na mas matindi ang problema sa Pilipinas lalo na sa kawalan ng trabaho at kawalan ng pagkakakitaan kaya ayaw umuwi ng bansa ang mga OFW sa Libya sa kabila ng giyera doon.
“Nakakasama ng loob yung sinabi ng OFW pero ibig sabihin talagang something is wrong in the country. It means something better must be done, it means a better leadership should be found, pagkat iiwan mo ang pamilya, asawa mga anak para lang pumunta sa Libya at pagkatapos duon ay katakut-takot ang panganib, may inaalipin, may ginagahasa, tapos sasabihin niya its better in Libya than in Philippines, to me that is a big affront to the country”, ani Cruz.
Bagama’t umiiral na ang mandatory repatriation sa Libya, 800 pa lang ang nakakauwing OFW sa Pilipinas mula sa mahigit 13,000 OFW sa Libya.
- Latest