^

Police Metro

Paslit nagulungan ng gas tanker, patay

Non Alquitran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 5-anyos na batang babae habang ang dalawang kapitbahay nito ay  nasugatan matapos na sila ay magulungan ng umaatras na isang gasoline tanker malapit sa  gasoline station kamakalawa sa Pasig City.

Idineklarang dead-on- arrival sa Rizal Medical Center ang biktimang si  Jovielyn Virana, residente ng  264 Dr. Sixto Antonio Ave., Barangay Caniogan dahil sa  natamong matinding sugat sa ulo at katawan.

Nasugatan naman ang mga kapitbahay nitong sina Danilo Romagat, 41, at Nerissa Monteporo, 66.

Sumuko sa pulisya ang driver ng gasoline tanker na si  Junval ­Orialla, 35 na nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide and multiple frustrated homicide.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gil Pedera, dakong alas-7:30 ng gabi ay isinasalin ni Orialla ang kargang gasolina sa isang gasoline station na matatagpuan sa Dr. Sixto Antonio Ave.

Nabatid na kalaro ni Virana ang kapwa niya bata sa tapat ng kanilang bahay habang ang dalawang kapitbahay ay nag-uusap sa bangketa.

Matapos na maisalin  ni Orialla ang laman ng kanyang Fuzo truck tanker (RJH-119)  ay inalis nito ang ikinalsong bato, subalit umatras ito.

Mabilis na inakyat ng suspek ang minamanehong truck para mapahinto, subalit nabigo ito kaya’t nagulungan ang tatlong biktima at mas grabe ang tinamo ng bata.

vuukle comment

BARANGAY CANIOGAN

DANILO ROMAGAT

DR. SIXTO ANTONIO AVE

GIL PEDERA

JOVIELYN VIRANA

NERISSA MONTEPORO

ORIALLA

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with