^

Police Metro

Bebot pinatay ng ka-partner sa motel

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang pinatay sa sakal ng lalaki na kanyang kasama sa isang motel sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng hindi pa kila­lang babae na walang saplot sa loob ng inupahan nitong room 104 Balintawak Exit Apartelle na matatagpuan sa Edsa, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak.

Inilarawan ang biktima na tinatayang 30 hanggang 35-anyos, mahaba ang buhok, kayumanggi ang kulay ng balat.

Habang inilarawan ng mga saksi ang la­laking nakasama nito na nasa 40 hanggang 45 anyos.

Sa pahayag ng mga kawani ng apartelle na dakong alas-7:00 ng gabi nang mag-check-in ang biktima kasama ang suspek sa nasabing motel.

Ayon sa staff ng motel na si May Jean Nicolas, dakong alas-2:30 ng madaling-araw ay nakita nilang nagmamadaling umalis ang lalaki.

Kaya’t alas-7:00 ng umaga na siyang oras ng checkout ng mga biktima ay kinatok ito ng mga staff, subalit walang sumasagot.

Gumamit ng duplicate key ang mga staff at dito ay nakita nila ang biktima na hubo’t hubad at wala nang buhay.

Nabatid na tinangay ng suspek ang mga mahahalagang gamit ng biktima.

vuukle comment

AYON

BALINTAWAK

BALINTAWAK EXIT APARTELLE

BRGY

EDSA

GUMAMIT

MAY JEAN NICOLAS

QUEZON CITY

UNANG SIGAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with