^

Police Metro

Ex-cop natagpuang patay sa FX

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng kanyang pag-aaring Tamaraw FX natagpuang patay ang isang retiradong pulis na nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang ulo sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Antonio Alipio, 54, may-asawa, retiradong miyembro ng Philippine National Police at residente sa no. 2003 Visayas Avenue, Extension, Pinkian Village 3, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Sa ulat,  dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang pamilya ang biktima habang duguang nakahandusay sa loob ng nakaparadang Tamaraw FX (CND-594) na kanilang pag-aari sa harap ng kanilang bahay.

Ayon sa pamilya umalis sila para magsimba at tanging naiwan sa bahay ang biktima.

Ilang oras sa pagbalik ng pamilya mula sa pagsimba ay ihindi nila nakita ang biktima sa loob ng bahay kaya’t hinanap nila ito hanggang sa matagpuan sa loob ng nasabing sasakyan at wala nang buhay.

Agad nilang ipinagbigay alam ang insidente sa otoridad para sa kaukulang pagsisiyasat.
Narekober sa lugar ang isang kalibre .9mm na baril na may magazine na may limang bala at isang basyo sa lugar.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong  suicide habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ANTONIO ALIPIO

AYON

BRGY

ILANG

PASONG TAMO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINKIAN VILLAGE

QUEZON CITY

TAMARAW

VISAYAS AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with