^

Police Metro

DOLE, nilinaw ang holiday pay rules

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makakatanggap ng dagdag  bayad ang  mga manggagawa na pumasok sa trabaho noong Hulyo 27 at  Hulyo 29.

Ayon kay Department  of  Labor  and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, dapat lamang na makatanggap ng ‘extra pay’ ang mga manggagawa  na pumasok ng  holidays.

Batay sa labor pay rules, kapag regular holidays ang bawat manggagawa na magre-report sa trabaho ay makakatanggap ng double pay para sa unang walong oras sa kanilang trabaho habang makakatanggap ng 30% na dagdag kapag sumobra na sa walong oras.

Habang ang mga manggagawa na dapat naka-day off, subalit pumasok sa trabaho ay makakatanggap naman ng 230% na bayad sa loob ng walong oras habang dagdag na 30% sa sobra na oras.

Ang mga manggagawa naman na hindi magtratrabaho sa naturang mga araw ng holiday ay makakatanggap pa rin ng regular daily rate o arawang bayad.

Ayon pa sa DOLE, may karagdagang 30% sa kanilang regular daily pay ang mga manggagawa na papasok ngayong araw.

Idineklara ng Malacañang   na isang special non-working holiday  ang  Hulyo 27 bilang paggunita sa ika-100th anniversary ng Iglesia Ni Cristo (INC) habang ang   Hulyo 29 naman ay isang regular holiday  ng  Ramadam.

 

AYON

BATAY

EMPLOYMENT SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

HABANG

HULYO

IDINEKLARA

IGLESIA NI CRISTO

MAKAKATANGGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with