^

Police Metro

Mister napundi na… Misis na adik sa text kinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil mas palagi umanong inuuna ang pagte-text kaysa sa pagluluto ng pagkain, hindi na nakatiis ang isang mister sa pagi­ging adik ng kanyang misis sa text kaya halos katayin ito sa pamamagitan ng pananaksak sa huli sa Barangay Bolhoon, San Miguel, Surigao del Sur kamakalawa.

Dead-on-arrival sa San Miguel Community Hospital  ang biktimang kinilalang si Susana Demelio Betinol, 42 at residente ng  nasabing lugar ay nagtamo ng maraming saksak ng kutsilyo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mula sa kanyang mister at suspect na si Gerardo Betinol.

Batay sa report ni CARAGA Police Spokesman Supt. Romaldo Bay­ting, ang insidente ay naganap sa tahanan ng mag-asawa dakong alas-8:30 ng umaga kung saan ang suspect ay galing umano sa bukid, pagod at naghahanap ng makakain. Pero laking dismaya umano ng suspect nang makita ang biktima na abala sa pagte-text at inakala nitong may text mate itong ibang lalaki.

Agad umanong sinita ng suspect ang biktima na naging mitsa ng matin­ding pag-aaway at pilit na pinaaamin na ang huli’y nagtataksil.

 Mahigpit naman itong  itinanggi ng misis na biktima na mas lalong ikinagalit ng suspect.

Bunsod nito’y agad na kinuha ng suspect ang kanyang bagong hasang kutsilyo at pinagsasaksak ang misis.

Bunsod ng labis na pagkatakot sa mga kamag-anak ng biktima ay  mabilis na tumakas ang suspect at nagtago sa detachment ng CAFGU sa kanilang lugar.

Gayunman, sumuko pa rin ang suspect sa pulisya. Sa ngayon ay nahaharap sa kasong parricide ang biktima at kasaluku­yang naghihimas ng rehas.

vuukle comment

BARANGAY BOLHOON

BUNSOD

GERARDO BETINOL

POLICE SPOKESMAN SUPT

ROMALDO BAY

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL COMMUNITY HOSPITAL

SUSANA DEMELIO BETINOL

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with