^

Police Metro

Bagyong Glenda lumakas

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy ang paglakas ng  bagyong Glenda  at nagbabanta ng malalakas na pag-uulan sa ibat ibang panig ng bansa.

Alas-11:00 ng umaga kahapon si Glenda ay namataan sa layong   620 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 95 kilimetro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas sa signal number 2 ang mga lugar ng  Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at  Sorsogon .

Signal number 1 naman sa  Metro Manila, Masbate, kasama ang Burias, Ticao Island, Marinduque, Quezon, kasama ang Polilio, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan,  Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan at  Southern Aurora.

Patuloy namang pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na lugar na malapit sa tabing dagat at bulubunduking lugar na mag ingat at ugaliing mapagmasid sa paligid para makaiwas sa epektong maaaring dalhin ng mga pag uulan na dala ng bagyong Glenda.

Ngayong Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga ay maaaring maranasan ng mga taga-Metro Manila ang pabugso-bugsong hangin at malakas na pag-ulan.

 

vuukle comment

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CATANDUANES

GLENDA

METRO MANILA

NGAYONG MARTES

NUEVA ECIJA

PATULOY

SOUTHERN AURORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with